

Mainit man ang panahon ngunit ramdam na ramdam naman natin ang lamig ng boses ng nag-iisang “Asia’s Diamond Soul Siren” Nina na kinantahan ang madlang people ng rendition niya ng “At Your Best (You Are Love)” ng “Queen of Urban Pop” na si Aaliyah sa April 15 episode ng “It’s Showtime.” Hindi rin nakaligtas si Nina sa “Kembot Challenge” ng hosts kung saan ipinamalas niya ang natatagong husay sa pagsayaw at paggiling kasama ang Showtime Baby Dolls. Samantala, tatlong madlang audience naman ang nagtagisan sa paggiling sa “Kembot Challenge,” kung saan nadaig ng loud and proud “Batang Quiapo” na si John Ryan ang kanyang mga katunggali na sina Jonalyn at Minda sa kanilang showdown. Dahil sa nakakamanghang lambot ng kanyang katawan at husay sa pagsayaw, siya ay nabiyayaan ng P2,000! High energy din ang dala ng mga madlang taga-Quiapo na nakisaya bilang players ng “Laro Laro Pick” segment, kasama ang hosts na sina Jugs Jugueta, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at ang comedy duo na sina Lassy at MC. Bago magsimula ang laro, naka-chikahan ng hosts ang tindera ng mga anting-anting na si Tintin na nagkuwento tungkol sa paggamit ng anting-anting para sa lovelife, at si Tobal na delivery boy para sa isang tindahan ng mobile phone accessories. Matapos mag-unjumble ng mga pangalan ng Asian countries sa “It’s Giving” at sama-samang magrakrakan ng “Lakas Tama” ng Siakol sa “You Gotta Lyric,” apat na contestants nalang ang nag-proceed sa “PILImination.” Si Mutya na proud housewife, nanay sa limang anak, at on-call laundry shop attendant at house cleaner ang nagwagi sa tulong ni Lassy. Hangad man niyang maiuwi ang pot money na P150,000, sa bandang huli ay nanaig pa rin ang pagiging sigurista ni Mutya matapos niyang piliing tanggapin ang offer na P30,000. Tama naman ang kanyang naging desisyon dahil hindi niya nasagot nang tama ang tanong tungkol sa ibig sabihin ng letrang “A” sa “ABS-CBN,” na nangangahulugang “Alto Broadcasting System – Chronicle Broadcasting Network.” Samantala, dalawang pang-malakasang representatives mula sa Davao Region ang nag-showdown sa entablado ng “Tawag ng Tanghalan” para sa April 15 episode ng “It’s Showtime.” Unang sumalang ang 20-year-old madiskarteng estudyante at negosyante mula Maco, Davao de Oro na si Haryll Bartolini na nagpasiklab sa kanyang rendisyon ng “Believer” ng American pop rock band na Imagine Dragons. Ang classic OPM love song naman na “Sana’y Laging Magkapiling” ng April Boys ang piniling itanghal ng kanyang kalaban mula sa Toril, Davao City na si Alamid Basino Jr. Sa bandang huli, si Haryll ang idineklarang daily winner matapos na makakuha ng kabuuang iskor na 92%, habang si Alamid naman ay nakatanggap ng 90%. Dahil sa kanyang pagkapanalo, mag-uuwi si Haryll ng P10,000 cash prize at aabante sa regionals finals. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #abscbnentertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.