

Lahat ng nakangiti ay pagpapalain sa araw na 'to. Kaya i-stretch ang mga lips para ma-attract ang blessings ngayong Sabado. It's the weekend, pero with the "It's Showtime" family, ang good vibes ay hindi mag-e-end. Sa 'Laro Laro Pick' ay lumaban nang masigasig ang mga taga-Rosario, Pasig. Naniniwala sa kasabihang 'happy wife, happy life,' bitbit ni player Gigi ang laughter at kuwentuhan that feels light. 'Di ba tawanan lang? Bakit parang teary-eyed sina Jackie Gonzaga at Ryan Bang? Kapag usapang 'the one,' minsan hindi talaga ma-hide ang emotions, at ika'y mapapa-question, "Lord, kailan?" But, no question naman sa husay ng "It's Showtime" hosts na sumabak sa aktingan sa 'You Gotta Lyric' round. Si Jackie, mukhang gustong bumawi ng kilig at muntik pang magka-kissing scene kay Darren Espanto. Grabe talaga ang chemistry ng DaCkie! Battle of the eabab ang PILImination round. Si Viem, isang sales lady, ang last woman standing. Bilang katuwaan, tinawag ni Vice Ganda ang nakalaban ni Viem na si Lyn para subukan kung sino sa kanilang dalawa ang nakakaalam sa sagot sa POT question. They say ang mga multo sa gabi lang nagpaparamdam. Pero sa panahon ngayon, ang mga 'ghosters' walang pinipiling oras, bigla-bigla na lang mang-iiwan. Parang multo, nagparamdam din ang mga namayapang feelings dahil sa hugot kantahan sa CAR Regional Finals ng Tawag Ng Tanghalan. Unang nagpasiklab sa entablado ang content creator na si Emerson Mateo, singing the classic "(Where Do I Begin) Love Story." "Kasalanan" by Orient Pearl naman ang panlaban ni Jan Jericho Odiem. Jessica Cuttermas sang "Get Here." Pero mukhang hindi ‘nakarating' sa mga hurado ang performance niya. Para sa mga 'yearning' ang performance ng huling kalahok na si Renz Manantan, na inawit ang "Muli." Lima ang sumalang, tatlo lang ang umabot hanggang dulo. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #PambatoNgShowtime
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.