

AKINSEyyy na, Madlang People! Happy sweldo sa mga tumanggap na ng fruit of their labor. Dito sa âItâs Showtime,â may pa-bonus na good vibes dahil deserve nâyo ang tumawa matapos ang isa linggo na naman ng trabahoât pagsisikap. Congrats! Na-survive nâyo ang petsa de peligro! Tanggapin mo ngayon ang âyong sweldo, at namnamin ang Fri-YAY na panalo. Ang naghatid ng bonus, walang iba kundi ang âother halfâ ng âPBB Collabâ Big Winner Duo, Brent Manalo, whoâs embracing his new era bilang Lover Boy. Sa Laro Laro Pick game arena, sumulong ang mga taga-Mandaluyong. Unang bumangka sa kuwentuhan si Elo, na expert sa pagpapaganda ng kuko. Dumadaan man sa existential crisis, na sabi ni Vice Ganda ay marahil epekto pa rin ng pandemic, kumakapit si Elo sa pag-ibig. Speaking of pandemic, sa mga panahong âyun nag-hello si âthe oneâ kay Elo. Pangarap ni Elo, makapagtayo ng negosyo. May tip si Meme kung paano sumakses ang business pero parang⌠mali? Pati OOTDs ng Madlang People, hindi nakaligtas sa puksaan. Biro ni Meme, sino ba naman ang magsusuot ng turtle neck sa mainit na panahon? Ang kulitan nauwi sa laro-larong barilan! Sina Meme at Ion, binalikan ang isang TikTok trend⌠kinulang nga lang sa timing! Eh, kung sina Kim Chiu at Anto, subukan natin! All-star cast naman ang aktingan sa pinakabagong paboritong round ng bayan, ang You Gotta Lyric. With special participation pa ni Brent Manalo, na nagpakita ng kilig chemistry with Jackie Gonzaga sa isang eksena. Sa PILImination, si player Angie ang pinakamabilis sa challenge, na naghatid sa kanâya sa final game kung saan P100,000 ang maaari nâyang mapanalunan. Sa suporta ng anak na si Sofia, naging praktikal si Angie at pinili ang Li-Pot offer na P25,000. Itâs the final daily round battle para sa mga taga-Cordillera na nangangarap maging kampeon sa âTawag Ng Tanghalan.â Maging maganda kaya ang kanilang kapalaran sa mga kamay nina Erik Santos, Klarisse De Guzman, at Punong Hurado Louie Ocampo? Parang ulan sa gitna ng summer, refreshing ang performance ni first contender Raine, na kinanta ang âLeavesâ ng Ben&Ben. Hindi naman umiyak dahil ligtas sa gong si Renz, na kinanta ang âOne Last Cry.â #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeKomedya
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.