

Gloomy man ang weather lately, nakulayan naman ng pink ang ating Tuesday dahil si Maki, umappear sa It’s Showtime at pinerform ang latest single niya na “habangbuhay pansamantala”! Malungkot at heartbreaking man ang lyrics ng kanta niya, napa-happy naman tayo ni Maki dahil sa good vibes at energy niyang dala, lalo pa nang sumabak sa “Oooh Lala Baby” dance challenge kasama ang Baby Dolls. Super game si Maki sa paggiling, to the point na hinamon pa niya ang host na si Darren Espanto sa isang dance showdown na ikinaaliw naman ng lahat. Hindi lang si Maki ang nakisaya sa Showtime fam, kundi pati na rin sina Sue Ramirez at Rico Blanco upang imbitahan ang lahat na panoorin at suportahan ang upcoming movie nila na “Project Baby.” Tila naman nawala nang sandali ang angas ng OPM rock icon dahil napasabak din sila ni Sue sa “Oooh Lala Baby” dance challenge. Samantala, labindalawang groovy at energetic senior citizens mula Navotas City ang naglaro sa “Laro Laro Pick.” Nakipagkuwetuhan at nakipagkulitan ang hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro kina Nanay Baby, Nanay Felly, at Tatay Elly na magiliw na nagbahagi ng kanilang buhay at bonding moments kasama ang kanilang mga mahal na anak at apo. Dahil wala sa mga kalahok ang nakaabot sa jackpot round, kinailangan ni Vice na bumunot ng isang pangalan mula sa kanila na magkakaroon ng tsansang mag-uwi ng P150,000. Hindi man pinalad si Tatay Elly sa unang sabak niya, nabigyan naman siya ng ikalawang pagkakataon na magpatuloy sa laro dahil siya ang masuwerteng napili ni Vice. Nahalina man siya noong una nina Ate Girl Jackie Gonzaga at Kim Chiu sa offer nilang P30,000, biglang nagbago ang isip ni Tatay Elly at nag-desisyong mag-POT matapos na sabihin ni Vice Ganda sa kanya na ang jackpot question ay may kinalaman sa eleksyon. Bilang proud botante ng Navotas City, tila nakaramdam siya ng confidence na masasagot niya ang katanungan. Sa kasawiang-palad, hindi nasagot nang tama ni Tatay Elly ang katanungang, “Ano ang minimum na edad ng isang kandidato upang makatakbo bilang pangulo ng Pilipinas?” Gayunpaman, hindi naman hinayaan ni Vice na umuwi siyang P1,000 lang ang dala dahil nangako siyang bibigyan ito ng P10,000 bilang pantulong sa pambili niya ng maintenance medicines. Para sa ikalawang araw ng national finals ng “Tawag ng Tanghalan” Year 10, sina Charlie Palalisan ng General Santos City, Arbasa Abdulkarim ng Tawi-Tawi, at Will de Sosa ng Carmona, Cavite ang naglaban-laban upang mapabilib ang mga huradong sina Sofronio Vasquez, Klarisse de Guzman, and Ogie Alcasid. Unang sumalang sa tanghalan ang aspiring lawyer ay miyembro ng B’laan tribe na si Charlie, na pinamangha ang lahat sa makabagbag-damdamin niyang rendisyon ng “Tulog Na” ng Sugarfree. Sumunod na nagtanghal ang high school teacher at proud haligi ng tahanan na si Arbasa, na sinubukang kilitiin ang lahat sa version niya ng “Your Man” ni American artist Josh Turner. Panghuli ay si Will, na inentertain ang lahat sa kakaibang twist na nilapat niya sa “Mr. Suave” ng Parokya ni Edgar. Sa huli, ang mga pambato ng Region 12 (SOCKSARGEN) na si Charlie at ng Region 4 (Calabarzon at Mimaropa) na si Will ang mga idineklarang pasok na sa grand finals, matapos na makakuha ng scores na 94.3% at 91.3%, respectively. Samantala, si Arbasa naman ay nakatanggap lamang ng 90.3%. #ShowtimeLalsRo #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.