

Vi is ral! Lahat ay na-LSS at napahataw na sa "Ikembot Mo" ng Showtime Baby Dolls. Make sure na 'submitted' na ang "Ikembot Mo" Dance Challenge assignment. Dahil may bagong requirement! Makigiling naman sa newest track ng grupo titled "Oohh Lala Baby." Parang kendi, hindi mo titigilan ang tamis ng kanta, ika'y talagang mapapa-ohh la la! Samantala, this summer season, goodbye na sa quizzes at recitaton ang mga graduating students na nagmartsa sa 'Laro Laro Pick' game arena. Bago magsuot ng toga at makuha ang diploma, with high honors agad ang good vibes, tawanan at kulitan! Sa oras na siya'y maging empleyado, ang unang plataporma, este, plano ng future pulis na si Daniel, sibakin ang mga umaasa sa backer. Naku! Kinabahan si player Ken. Dahil kapag siya'y naging HR officer, ang kan'yang magiging tactic, i-hire ang mga tropang mag-a-apply 'matic'! Handa na rin si Gav to conquer the real world, kahit alam niyang mahihirapan silang mga kabataan sa bagong takbo ng mundo. Hindi kumpleto ang buhay kolehiyo kung hindi 'bumagsak,' as in na-fall ang puso. Congrats dahil 'graduate' na sa sakit si Jomel, na minsang nag-confess sa taong iniibig, ngunit "salamat" lang ang narinig. Pero kahit walang nakuhang sukli sa pagtingin na inilaan, nakatanggap naman siya ng malakas na palakpakan nang idaan ang nararamdaman sa isang beautiful interpretative dance. From sayawan, inabangan din ang aktingan sa 'You Gotta Lyric' round with special participation of 'Lover Boy' Brent Manalo, na minarites ni Ryan Bang? Pero lang pagmamarites ang ganap ni Ryan, dahil sumisid din siya sa drum! Ang itinanghal na 'valedictorian' ng grupo, walang iba kundi si Joe, na hinangaan ni Vice Ganda dahil sa sipag bilang working student. Kung paano niya ginalingan sa eskwela, nagpakitang-gilas din siya sa pagpili ng P100k POT question. Pero tama ba ang kan'yang desisyon? Nasuyod na ang mga rehiyon sa buong nation. Sa pagkakataong ito, may mga nagbabalik sa 'Tawag Ng Tanghalan' entablado! Ang mga nabigong kalahok mula sa 16 regions, muling susubukan ang kanilang kapalaran sa pagbubukas ng Resbakbakan. Nagbukas ang round two sa pambato ng Region 3 na si Jeremy Manite, singing "Superstar" by The Carpenters. Muling narinig ang kundimang pag-awit ni Jannah Rose Calixton ng Region 12, singing Nicanor Abelardo's "Mutya Ng Pasig." Na-inspire si Jackie Gonzaga at sinubukan ang galing sa kundiman. Pero... bakit tunog "potpot" ng pandesal sa umaga? #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeLaruuu
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.