

Sa isang Sabadong makulay, mga beki na fierce ang nagpamalas ng wit at nagpalaganap ng good vibes sa unang weekly finals ng "Miss Q and A." Kanya-kanyang paandar sa pagrampa sina Miss Jawo ng Antipolo City, Kelly Agustin ng Nueva Ecija, Elisse Kagandahan Alamo ng Quezon City, Miss Mia ng Malolos Bulacan, Andrea Jane ng Del Monte Quezon City, at Barbie Bratz Ayuda ng Trece Martires Cavite. Agad uminit ang puksaan ng mga kandidata dahil lahat ay sumabak with full confidence. Sina Barbie Bratz at Miss Jawo, mainit ang dugo sa isa't isa. Kaya biro ni Vice Ganda, kung sino pang magkamukha, sila pa ang nag-aaway! Mula sa anim na nagpabilisan at nagpatalinuhan sa 'TumPAK Ganern' round, apat lang ang umabante sa 'WIT Lang' kung saan self-expression at pagiging creative sa mga sagot ang naging labanan. Sina Miss Jawo, Barbie, Kelly at Elisse ang pumasok sa second round. At mula naman sa kanilang apat, sina Miss Jawo ang Kelly ang nag-face-off sa BEKLAMATION kung saan iisang tanong lamang ang kanilang sinagot. Ito ay kung anong makeup product ang ibibigay nila sa kanilang tatay. Parehong 'lipstick' ang naisip nilang sagot, pero nagkaiba sa lalim ng paliwanag. Mas tumatak kina hurado Alexa Ilacad, Ralph de Leon, at Nicole Cordoves ang talak ni Kelly, kaya siya ang itinanghal na Miss Q and A Reyna TalakERA of the week! Nakakuha si Kelly ng average score na 9.3, samantalang 8 naman ang grado ni Miss Jawo. Masaya ang selebrasyon para sa mga tatay na puno ng dedikasyon. Minsan seryoso, minsan ay korni ang banat. Pero kahit magkakaiba, pagmamahal at sipag nila ay palaging sapat. Happy Father's Day sa mga madlang tatay! Saludo tayo sa pagsisikap ni Mel, ang hardworking daddy, na walang sinasayang na oras sa pag-aalaga at pagtatrabaho for his family. Perfect naman for the celebration ang good vibes na dala ng Showtime hosts na sumalang sa bagong paboritong aktingan ng bayan, ang 'You Gotta Lyric' round. Sina Vice at Vhong Navarro, parang na-enjoy ang 'physical' acting... parang totoo?! Heto ang siguradong totoo, para kay Mel ang araw na 'to! Matapos ma-eliminate ang lahat ng players, pangalan niya ang nabunot para maglaro sa jackpot round. Dahil minsan lang ang ganitong experience, hindi nagpatinag si Mel na piliin ang POT question. May reward from the universe ang masisipag at matatapang! Dahil sa pagsugal niya sa POT, naiuwi ni Mel ang papremyong P300,000!
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.