

Sabi nga sa isang meme, the Dyosa is return! Extra beautiful na naman ang kulitan dahil present ang nag-iisang Dyosa ng "It's Showtime" FUNanghalian, Anne Curtis, na sobra nating na-miss! She's radiant with summer glow, fresh from her Coachella 2026 experience. Ikinuwento ni Anne ang happy memories sa nasabing international music festival, kung saan todo suporta rin siya sa Nation's Girl Group, BINI. Sakto ang pagpasok ni Anne dahil kung may mga 'liga ng barangay' players sa Laro Laro Pick game arena, siya ang muse nila! Na-pressure tuloy si Vice Ganda, na nagpakulot ng buhok at nag-extra effort para mapantayan daw ang ganda ni Anne. Naki-'liga' rin ang Kapamilya love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin. Relate si Seth sa mga kuwento ng players, lalo na sa part na nagpapasahan ng ice water, na pagdating sa dulo ng pila, parang umaalat na sa dila. Game naman na inirampa ni Francine ang jersey na pwede palang gawing bag. Hindi naman nakaligtas sina Lassy at MC sa pang-aasar ni Meme. Baka pagkatapos lang daw laro, sina MC at Lassy ay may lalapitan tapos pangangakuan. Pero, ang totoo, sila ang nilapitan ni player Ian at kinantahan! Nagpa-impress din si Baloy with an exhibition sa harap ni Anne. At nagpakilala naman si Zen, champion player ng grupo. Gelo goes for the win, tumira ng tres sa POT question lane, shoot! Mabilisan ang naging tawaran, dahil hindi inurungan ni Gelo ang POT question na may kinalaman sa basketball. At dahil nasagot niya ito nang tama, all net, P150,000 POT money ay kan'yang na-get! Apat na nangangarap ang nagharap-harap isang araw bago ang ika-12 Regional Finals ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Lahat ay magagaling pero dalawa lang ang umangat para kina Ogie Alcasid, Jed Madela, at Punong Hurado Louie Ocampo. Nang magpaulan ng talento ang langit, siguradong maraming nasalo si Lyka Jane, na inawit ang "Raindrops Will Fall." Mapanakit din ang performance ni second contender, Felicity, na kinanta ang "Hanggang Kailan Kita Mamahalin." Bago mag-"I do" sa harap ng altar, sa tanghalan muna nagpamalas ng puso si Ivan, singing "Why Can't It Be." Birit kung birit, ibinuhos na ni Angeline ang full vocal prowess with "Kung Iniibig Ka Niya." Sa dulo, itinanghal na panalo sina Angline at ang unang kalahok na si Lyka Jane. Aabante sila sa Regional Finals. #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeANNenoTara
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.